Senator Ejercito, handang maglingkod sa gabinete ni Pangulong Duterte

 

Isang karangalan para kay Senator JV Ejercito ang pagkonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan sya ng pwesto sa gabinete.

 

Ayon kay Ejercito, sakaling ituloy ito ng pangulo ay mahihirapan syang tumanggi.

 

Paliwanag ni Ejercito, ang paglilingkod sa pangulo ay isang oportunidad para maipagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan.


 

Aminado si Ejercito na naantig ang kanyang damidamin ng sabihin ni Pangulong Duterte na sayang sya dahil hindi pinalad nitong katatapos na eleksyon.

 

Sa ngayon ay tututukan muna ni Ejercito ang kanyang pamilya at mga negosyo.

Facebook Comments