Tiniyak ng Department of Education o DepEd na nagpapatuloy ang kanilang pang monitor sa mga magaaral at kanilang mga manggagawa na sumasailalim sa 14th day self-quarantine matapos silang maexpose sa mga lugar at sa taong posibling carrier ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, umaayos naman ang lagay ng mga mag-aaral at DepEd personnel na naka quarantine, at wala pa naman nagpopositibo sa COVID-19.
Aniya ito ay bahagi pa rin sa kanyang mandato sa pag laban sa nasabing virus.
Kauganay nito, ang mga paaralan at division office ng DepEd ay patuloy sa pagsasagawa iba’t ibang klaseng Information, Education at Communications (IEC) campaigns tungkol sa COVID-19 upang matiyak ang pagkalat nito sa mga magaaral at manggagawa ng nasabing kagawaran.
Kamakailan, naitala ng DepEd ang pitong magaaral at apat na deped personnel ang kasalukuyang sumasailalim ng 14th day self-quarantine dahil sa posibling carrier ang mga ito ng COVID-19.