Nais nang Department of Education na mawala na sa isipan ng publiko ang ideya na tradisyon na problema sa tuwing pasukan ang kakulangan ng classroom sa bawat paaralan.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, sa nakalipas na tatlong taon. Marami nang pagbabago ang naganap lalo na sa pasilidad ng mga paaralan dahil sa mas maagang preparasyon na kanilang isinasagawa.
Ayon pa kay Briones, patuloy nilang dinadagdagan ang mga classroom dahil sa patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga estudyante kada taon at may mga silid paaralan na napipinsala tuwing may kalamidad.
Paliwanag pa ni Briones, binabawasan nila ang mga room assignments ng mga guro kung saan dati ay umaabot sa 1 is to 70 hanggang 80 ang teacher to student ratio kaya’t nais nila itong pababain.
Target ng DepEd ang 60,000 na classroom ngayong taon subalit 12,000 lamang dito ang matatapos bago ang pasukan ngayon june 3, 2019 dahil sa pagkakaudlot ng pagpasa ng 2019 budget.