
Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DEPED) ang kumakalat na malisyosong post patungkol sa wala umanong pasok sa buong bansa mula Oktubre 15 hanggang Desyembre taong kasalukuyan.
Ito ay matapos yanigin ng sunud-sunod na lindol ang iba’t-ibang parte ng ng bansa.
Ayon sa DEPED Davao Region, ang nasabing post ay naglalayon lamang na maghatid ng maling impormasyon sa lahat.
Dahil dito, nagbabala naman ang ahensya na mag-ingat sa pagbabahagi ng impormasyon online para maiwasan ang pagkalito sa mga tao.
Facebook Comments









