DepEd, pinag-aaralan ang limited face-to-face classes sa senior high school

Sinisilip ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng limited face-to-face classes sa Senior High School (SHS) students, lalo na at inaasahang magsisimula na ang immunization program ngayong buwan.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, mayroon nang paghahanda para sa unti-unting pagbabalik ng physical classes.

Pero nilinaw ni San Antonio na hindi pa pinal ang kanilang proposal dahil ang mga ipatutupad lamang nila ay ang anumang ibababang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pagtitiyak ng DepEd na hindi sila magpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.

Nasa mga magulang kung nais nilang ipagpatuloy ang home-based learning para sa kanilang mga anak.

Ngayong taon, ipinatutupad ang distance learning sa harap ng pandemya.

Facebook Comments