DepEd, pinag-aaralan na ang pagpapatupad ng “no vaccination, no enrollment” policy

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang mungkahi ng Department of Health (DOH) na huwag payagang mag-enroll sa mga pampublikong eskuwelahan ang mga estudyanteng walang bakuna kontra tigdas at iba pang sakit.

Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa.

Sabi ni Education Secretary Leonor Briones, sa ngayon ang mga karapatan ng mga mag-aaral ang pangunahin nilang ikokonsidera sa gagawin nilang pag-aaral sa naturang panukala.


Pero sakali man aniyang matuloy ang “no vaccination, no enrollment” policy susuriin na ang medical record ng mga estudyante.

Sa latest record ng DOH, mahigit labing isang libo na ang nagka-tigdas ngayong taon habang halos dalawang daan na ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Facebook Comments