DOLE, magsasagawa ng job fair ngayong araw

Manila, Philippines – Bilang pakikiisa sa komemorasyon ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution magbubukas ng isang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Isasagawa ng DOLE ang trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fair sa 2nd floor ng activity center ng Starmall sa EDSA-Shaw ngayong araw.

Kasabay nito hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga jobseeker na samantalahin ang 20,000 trabaho na iaalok ng 50 employers at recruitment agencies.


Para sa parehong event sinabi naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nasa 12,000 ang job orders na i-a-alok ng 15 recruitment agencies.

Kabilang sa mga destinasyon ng mga trabaho ay ang United States, Malaysia, Brunei Darussalam, Canada, Germany at iba pa.

Samantala, inabisuhan naman ng gobyerno ang mga interesadong aplikante na magdala ng maraming kopya ng resume o curriculum vitae, 2×2 ID pictures, certificate of employment kung may dati ng trabaho, diploma o transcript of records o TOR at authenticated birth certificate.

Facebook Comments