Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng International Cooperation Office (ICO), na magsasagawa sila ng ICO-KPTEP 4th learning series upang palalakasin ang Sustainable Development Goals sa Global Citizenship Education (GCED).
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones prayuridad ng Sektor ng Edukasyon ang Advancing Global Citizenship Education kung saan patuloy ang kanilang pakikipaglaban sa malaking hamon kung saan ang mga mag-aaral ay dapat handa na maging mamamayan ng daigdig.
Paliwanag pa ng kalihim na ang serye ng pag-aaral ay layon na mabigyan ng platform upang maimulat ang kanilang kamalayan sa Sustainable Development Goals at panawagan upang gampanan ang pagkalinga, pakikipagtulungan, kaugnayan, at tumugon sa online learning at oportunidad na lumago ang mga guro.
Dagdag pa ni Briones na bawat sesyon ay gagampanan ng representatives mula sa division at ng Korea-Philippines Teacher Exchange Programme (KPTEP) alumni kung saan ang serye ng pag-aaral ay tatalakay ng iba’t ibang usapin gaya ng Goals sa Global Citizenship Education o GCED, transformative education, inclusive education, at sustainable development para sa mga kabataan.