Lalaking wanted sa Antipolo, kusang sumuko sa MPD

67

Kusang sumuko sa mismong general headquarters ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaking wanted sa Antipolo City.

Nakilala ang nadakip ma si Roger Larong, 49-anyos at residente ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat, nagtungo mismo si Larong sa tanggapan ng MPD sa United Nations Avenue para sumuko sa kinakaharap nitong kaso sa Antipolo City.


Nabatid na kinasuhan ng murder si Larong sa Regional Trial Court Branch 140 ng walang piyansang inirekomenda.

Sinasabing nagdesisyon si Larong na sumuko dahil sa payo na rin ng kaniyang kaanak pero sa MPD headquarters nagtungo dahil sa takot na manganib ang kaniyang buhay kung tutungo ng Antipolo ng mag-isa.

Facebook Comments