Pinsinayaan ng Department of Education ang kauna-unahang Alternative Learning System – Education and Skills Training (ALS-EST) Learning Center sa Lawaan National School of Craftsmanship and Home Industries.
Pinangunahan nina Education Undersecretary and Chief of Staff Nepomuceno malaluan at Australian Ambassador Steven Robinson ang seremoniya kung saan itinayo ito para palakasin pa at palawakin ang Alternative Learning System program.
Isa din itong paraan para matulungan at mabigyan ng oportunindad ang mga out-of-school youth at mga matatanda na hindi nakatapos ng kanilang pag-aaral.
Ang 444-Square Meter na learning hub ay idinesenyo para maging disaster resilient na ang bawat classroom ay maaaring magsama para maging isang malaking bulwagan.
Ang nasabing learning hub ay natayo sa pakikipagtulungan ng DepEd at Australia’s Basic Education Sector Transformation o best program sa kooperasyon na rin ng Philippine Business for Social Progress.