Inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na plano niyang dagdagan ang mga non-teaching position sa mga pumpublikong paaralan sa bansa.
Aniya, nagpapatuloy na ang kanilang pakikipagusap sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Budget and Management (DBM) at Committee of Basic Education and Culture ng House of Representatives.
Ngayong taon, binigyan ang DepEd ng 5,000 slots na non-teaching position upang mabawasan na ang work load ng mga public teacher sa bansa.
Pero mas mainam, aniya, na dagdagan pa ito para sa mga technical at administrative jobs sa lahat ng public schools sa Pilipinas.
Iginiit niya na ang 5,000 na slots para sa non-teaching position ay hindi sapat para sa 47,000 na mga public school sa bansa.