DEPED REGION 1 MULING NANAWAGAN SA MGA GURO AT MAG-AARAL NA MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19

Muling nanawagan ang Department of Education Region 1 sa mga guro at mag-aaral sa rehiyon na magpabakuna kontra COVID-19 ngayong dumarami ang mga nagbubukas para sa limited face-to-face classes.
Sa huling datos ng DepEd Policy Planning and Research Division, nasa 14% o katumbas ng 184, 284 mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang fully vaccinated.
Nasa 207, 473 naman na mag-aaral ang nakatanggap na ng kanilang unang dose.

Sa mga teaching at non teaching personnel ng rehiyon nasa 77% ang fully vaccinated at 16. 4% ang nabakunahan h unang dose.
Binigyang diin ni Romarie Joy Castillo ang Medical Office IV ng DepEd Region 1, Na mahalaga ang bakuna kontra COVID-19 upang maproteksyunan ang mga kamag-anak na may sakit at upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ang labing apat naman na school division sa rehiyon ay nagsasagawa ng kaliwat kanang health awareness activities at information drive upang mahikayat ang mga personnel nito na magpabakuna. | ifmnews 
Facebook Comments