DEPED REGION 1, NANAWAGAN SA MGA MAG-AARAL NA HUWAG HINTAYIN ANG DEADLINE BAGO MAGPA- ENROLL

Nanawagan ang Department of Education Region 1 sa mga mag-aaral dito na huwag hintayin ang deadline bago pa man magpa enroll para sa School Year 2022-2023.
Ayon kay Cesar Bucsit, tagapagsalita ng DepEd Region 1, ang deadline ay kasabay ng papalapit na papasukan sa August 22.
Bagamat tatanggapin pa rin ang mga late enrollees, mahalagang makapasok na sila agad nang maiwasan ang absences at makakalap agad ng matutunan sa paaralan.

Sa huling datos ng kagawaran, mayroon ng 948, 027 na mag-aaral ang nag-enrol.
Magandang bilang na aniya ito kung tutuusin dahil malapit na nilang maabot ang 1. 3 milyong mag-aaral noong nakaraang school year.
Naniniwala naman ang opisyal na resulta ito ng intensive campaign ng deped sa pag eeducate sa mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa paaralan dahil sa mga ipinatutupad na minimum public health standard at ang kampanya sa pagbabakuna ng teaching at non-teaching personnel ng ng DepEd Region 1. | ifmnews
Facebook Comments