ONLINE PAYMENT SA BAYAMBANG PINA-IIRAL NA

23
Umiiral na ngayon sa bayan ng bayambang ang pagbabayad online para sa mga Business Permit, Real Property Tax, at iba pang piling transaksyon sa munisipyo gamit ang Land Bank online portal.
Gamit ang LinkBiz Portal ng bangko, hindi na kailangang magtungo ng kliyente sa munisipyo upang magbayad ng mga obligasyon katulad ng amilyar.
Ipapahayag ng Landbank sa susunod na mga araw ang iba pang mga serbisyo na maaaring idaan sa LinkBiz Portal.

Layunin din nitong mapabilis at mabawasan ang pakikihalubilo ng mga tao dahil sa banta ng COVID-19.
Samantala, umaasa ang lokal na pamahalaan na magiging maayos na ang bawat transaksyon sa bayan at maiibsan na ang napakahabang pila. | ifmnews
Facebook Comments