DepED Region 2, Hihigpitan ang Kampanya sa mga Paaralan Laban sa NCov

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang koordinasyon ng Department of Education Region 2 sa mga kinauukulan para matiyak na walang maitatalang kaso ng 2019 Novel Corona Virus na posibleng makahawa sa ibang tao.

Una rito, magpapatawag ng pulong balitaan ang DepED Region 2 sa darating na lunes para  ilatag ang ilan pang precautionary measure sa mga paaralan sa buong rehiyon.

Ayon kay Regional Director Estela Cariño ng DepED Region 2, mahigpit ang kanilang pagbibigay paalala sa mga magulang na ugaliin ang tamang personal hygiene para matiyak na mailayo sa kahit anong sakit ang kanilang mga anak.


Mahigpit aniya ang kanilang ginagawang information dessimination sa lahat ng paaralan para pawiin ang pangamba ng publiko lalo na ang mga mag aaral.

Kaugnay nito, inaasahang magpapatuloy pa rin ang ilang mga kanseladong malalaking sport event sa Lambak ng Cagayan sakaling maging maayos na ang sitwasyon

Facebook Comments