DepEd Sec. Angara, ipinauubaya na sa Kongreso ang pagpapasya kung tuluyan nang ipapatigil ang SHS

Aminado si Department Education Secretary Sonny Angara na hindi maganda ang naging implementasyon ng Senior High School sa bansa sa nakalipas na dekada.

Ayon kay Angara, marami kasi ang naging subjects at nakahon masyado ang mga estudyante, at hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapili ng subjects.

Bunga nito, babaguhin na aniya ang SHS curriculum sa 800 paaralan na may pilot implementation.

Ipinauubaya rin ni Angara sa Kongreso ang pagpapasya kung tuluyan nang ititigil ang pagpapatupad ng Senior High School.

Una nang isinulong ni Senador Jinggoy Estrada ang hakbang para sa pag-alis sa Senior High School matapos na hindi aniya masunod ang hangarin para sa programa.

Facebook Comments