Nilinaw ng Department Of Education na sapat lang ang sahod ni Sec. Leonor Briones bilang kalahim ng DepEd.
Ginawa ang pahayag matapos batikos ng Act Partylist kung magkano ang kinikita ni Briones kumapara sa guro sa paaralan.
Ayon kay Sec. Briones, bilang myembro ng gabinete natural lamang na 3.3 milyon ang lahat ng sahod niya noong 2018 malayo sa 3.95 milyon na una ng napaulat.
Paliwanag nito, sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) and Executive Order no. 201, s. 2016, pantay pantay lang sila ng sweldo ng iba pang gabinete at kalevel nyang posisyon.
Nilinaw din nya na meron din silang allowance sa opisina na nagagamit sa gastosin sa kagawaran at hindi niya ito ginagamit sa personal niyang pangangailangan.
Nagsimulang uminit ang nasabing usapan matapos paratangan si Sec. Briones na kontra siya sa dagdag sweldo ng mga guro.