DepEd Sec. Sara Duterte, inamin na malaking hadlang sa halalan sa Mindanao ang private armies

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na bagama’t automated na ang nakalipas halalan at ng bilangan ng mga boto, hindi pa rin nawawala ang dayaan sa ilang mga lugar sa Mindanao.

Sinabi ni Duterte na may mga pagkakataon sa Mindanao na hindi naman talaga nakakaboto ang mga rehistradong botante dahil ang mga private army ng mga pulitko ang bumoboto para sa kanila.

Sa katunayan aniya noong alkalde pa siya ng Davao City, may mga botante ang nakaboto na sa umaga sa Davao at muling nakakaboto sa Western Mindanao pagdating ng hapon gamit ang ibang pangalan dahil sa kawalan ng national database.


Naniniwala si Duterte na maaring maisaayos ang pagdaraos ng proseso ng halalan sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

Facebook Comments