Pinangunahan ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagsisimula ng National Festival of Talents sa CSI Stadia Dagupan City.
Nagpasalamat si Secretary Briones sa lungsod ng Dagupan City bilang host ng naturang patimpalak at sa pagiging consistent ng lungsod sa paglinang ng talento ng mga estudyante. Ayon dito marapat lamang na linangin ang kaalaman sa Science at Technology dahil kailangang sumabay sa makabagong panahon ngunit kailangan rin na ito ay balance sa Kultura, Sining at Kasaysayan. Dagdag ng kalihim na dapat patuloy lamang sa pagbabahagi ng sariling gawang pinoy at huwag kakalimutan ang pinanggalingan.
Mayroong 17 na Rehiyon ang kabilang sa National Festival of Talents at kabilang sa mga paglalabanan ng mga ito ay ang Technolympics, Sining Tanghalan, nationwide Song Writing and Choral Group, National Population Quiz,Pambansang Tagisan ng Talento, at Special Program in Foreign Language.
Ang National Festival of Talents ay magtatapos sa Pebrero 2, 2019 at PNP Dagupan ay nasa full alert Status sa pagbabantay ng mga delegado.
DepEd Secretary Leonor Briones pinangunahan ang National Festival of Talents sa Dagupan City
Facebook Comments