Tatlong Katao sa Cabagan, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

Cabagan, Isabela – Timbog ang tatlong katao matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito pasado alas dos ng hapon sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Juan Concha Anapi, 61 anyos, may-asawa, Elena Concha Anapi, 57 anyos, walang asawa, Brgy. Kagawad, John Nikko Acorda Anapi, 30 anyos, walang asawa at pawang mga residente ng Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad ang mga suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II, RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Grave Coercion.


Dinala na sa himpilan ng PNP Cabagan ang mga akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng tatlong nadakip na nagkakahalaga ng tatlumpu’t limang libong piso (P35,000.00)

Facebook Comments