DepEd, sinigurong mabibigyan ng karapatan ang mga mag-aaral ng tamang edukasyon

Tinitiyak ng Department of Education (DepEd) na mabibigyan ng karapatan ang mga kabataan na magkaroon ng tamang edukasyon kasunod na rin ito ng pagpasinaya noong nakaraang buwan ng 3rd National Summit on the Rights of the Child.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones nakasentro umano ang naturang proyekto sa mga bata ngayong pandemya na mabigyan ng aral para mag tatag pa ng mga karagdagang umaagapay tungo sa pagprotekta sa mga kabataan sa kanilang mga Karapatan.

Matatandaan na nagpalabas ng kautusan ang Kagawaran upang palakasin ang adbokasiya sa karapatan ng mga kabataan na magkaroon ng basic education.


Sa Temang “Batang May K: Karapatan ng Bata sa Edukasyon, Kasama ang Lahat sa Pagsulong!”, ang Third National Summit ay layon din na talakayin at partisipasyon ng buong Kagawaran, gobyerno at buong Lipunan kung paano o hubugin ang mga kabataan na magkaroon ng responsibilidad na ginagampanan tungo sa ikalalago ng kanyang buong pagkatao.

Tinitiyak ng DepEd sa pakikipagtulungan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ay makalilikha ng isang dekalidad na guro upang humubog sa kamalayan ng mga kabataan na magkaroon ng tama at dekalidad na edukasyon sa bansa.

Facebook Comments