DepEd, sinigurong tuloy na ang pasukan sa Agosto 22 ngayon taon

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na tuloy na ang pasukan sa darating na Agosto 22, 2022 kung saan umaabot na sa 15.2 million na mga estudyante ang nakapag-enroll na sa buong bansa.

Sa ginanap na press conference sa tanggapan ng DepEd, sinabi nina Atty. Reynold Munsayac, Office of the Vice President (OVP) Spokesperson at Atty. Michael Poa, ang DepEd Spokesperson na umaabot sa ₱18 billion ang kakailanganin upang magawa ang proyekto kung saan ₱41 billion ang kakailanganin ng kagawaran sa mga backlog ng mga eskwelahan.

Dagdag pa ni Poa na ₱2 billion lang ang ibinigay para sa quick response gayong ₱4 billion ang dapat na kakailanganin para matugunan ang lahat ng mga apektadong lugar.


Paliwanag ni Poa, nakipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba’t ibang sangay ng gobyerno para sa temporary learning places kung saan ikinokonsidera nila ang bilang mga mga estudyante at silid-aralan na lubhang naapektuhan ng lindol.

Ikinokonsidera din ng kagawaran ang blending shifting learning, self-learning at modules.

Facebook Comments