Pagtatayo ng sariling gusali ng COMELEC, tuloy na

29

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na tuloy na ang pagtatayo nila ng sariling gusali sa Baclaran, Parañaque.

Ito ay matapos basbasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pondo para sa itatayong sariling gusali ng poll body.

Aabot sa mahigit ₱8 billion ang budget na nakalaan para sa itatayong COMELEC Building sa 3 hectares na lupain ng komisyon sa Baclaran.


Aminado ang COMELEC na nahihirapan silang kumilos sa kanilang ahensya dahil magkakahiwalay ang kanilang warehouse, main office at iba pang departmento.

Facebook Comments