Suportado ng Department of Education (DepEd) ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Senior High School.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, suportado ng kagawaran ang ROTC dahil ito ay sumasalamin sa isa sa mga core values ng DepEd, na pagiging makabansa.
Pero paglilinaw ni Poa, bagama’t suportado ito ng DepEd at ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay kailangan muna itong dumaan sa Kongreso at Commission on Higher Education (CHED) upang talakayin ang mga detalye ng panukala.
Samantala, pabor din ang mayorya sa mga Pilipino na ibalik ang ROTC sa Senior High School.
Batay sa resulta ng Pulse Asia survey, lumabas na nasa 69% ng ng mga Pilipino ang sang-ayon sa muling pagpapatupad ng ROTC, habang 16% naman ang hindi sang-ayon, at 15% ang undecided.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 24 hanggang 27 at may 1,200 respondents.