3.6 million na bakuna kontra COVID-19, expired na! – Concepcion

61

Umabot na sa 3.6 million na COVID-19 Moderna vaccine ang na-expire o nasira ngayong araw.

Ayon kay dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, maliban sa naturang bilang ay mayroon pang 632,000 na AstraZeneca vaccine ang ma-e-expire sa darating na Linggo, habang nasa mahigit 1.6 million ng AstraZeneca at Moderna vaccine rin ang masisira na sa Agosto.

Sa kabuuan, nasa mahigit 4.2 million na ang bilang ng mga bakunang malapit nang masira mula sa mga pribadong sektor, na siya ring dahilan ng bilyong-bilyong perang nasayang.


Samantala, inaprubahan na rin ng DOH ang pagtuturok ng ikalawang booster shot para sa edad 50 pataas, at edad 18 hanggang 49 na may comorbidities.

Facebook Comments