DepEd, tatanggap ng late enrollees hanggang katapusan ng Setyembre

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na tatanggap sila ng late enrollees hanggang sa huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, maaaring tanggapin ng mga eskwelahan ang mga late na mag-eenroll basta maabot ng mag-aaral ang 80% ng prescribed na bilang ng school days sa bawat school year.

Mahalaga ring makumpleto ng late enrollees ang quarterly requirement para makapasa sa grade level.


Sa huling datos ng DepEd, nasa 21.7 million ang kabuuang bilang ng nag-enroll para sa School Year 2020-2021.

Ang pagbubukas ng klase ay itinakda sa August 24 sa pamamagitan ng blended learning.

Facebook Comments