Tiniyak ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagdalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng kahandaaan ng kagawaran sa pagpapatuloy ng distance learning.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Nepomuceno Malaluan, patuloy ang kanilang paghahanda sa lahat ng antas ngayong School Year 2021-2022.
Aniya, kinokonsidera nila na ang Senado at Kongreso ay kanilang partner sa pagbibigay ng maayos na edukasyon sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ni Malaluan na bukas at bibigyan nila ng halaga ang mga magiging rekomendasyon sa ipapatawag na pagdinig.
Una nang sinabi ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senator Win Gatchalian na dapat ay natuto na tayo mula sa karanasan ng nakaraang taon para maiwasan ang mga naging problema sa pagpapatupad ng distance learning.