DepEd, tiniyak kay VP Robredo na ang mga error sa learning modules ay naresolba na

Welcome para sa Department of Education (DepEd) ang mga komento ni Vice President Leni Robredo ukol sa mga error na nakita sa mga learning modules.

Pagtitiyak ni Education Secretary Leonor Briones, ang mga maling nakita sa modules ay naresolba na.

Nakalatag aniya ang mekanismo para sa pagre-report ng errors at agad na naaaksyunan ang mga naisusumbong sa kagawaran – ito ay ang “DepEd Error Watch.”


Ikinokonsidera nila ang pagpapataw ng sanctions sa mga responsable sa mga error sa modules.

Paliwanag naman ng ilang gurong dawit sa palyadong modules, nakuha nila ang materyal mula sa social media – partikular sa Facebook.

Matatandaang iminungkahi ni Robredo na dapat magkaroon ng maayos na sistema ang DepEd para maiwasan ang errors sa learning modules.

Facebook Comments