DepEd, tiniyak na confidential ang resulta ng gagawing random drug test sa mga estudyante

Manila, Philippines – Siniguro ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi magagamit sa pagsasampa ng kaso laban sa mga menor de edad ang gagawing random drug test sa mga mag-aaral sa pampuliko at pribadong paaralan.

Ayon kay Briones, ang resulta ng gagawing random drug test ay mananatiling confidential sa pagitan ng pamunuan ng paaralan, estudyante at pamilya nito

Layon aniya nito na malaman kung gaano na kalala ang problema ng droga sa mga paaralan at magawan ng solusyon ito.


Nilinaw din ni Briones na ang Department Order No. 40 na naglalaman ng guidelines sa gagawing random drug test ay walang kinalaman sa madugo at brutal na anti-illegal drug operations ng pulisya na kumitil na sa buhay ng libu-libo kabilang ang ilang menor de edad.

Dagdag pa ni Briones, ang pagkalat ng droga sa mga paaralan ay isang health matter kaya’t nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Department of Health para sa pagsasagawa ng random drug test.

Facebook Comments