Kasunod ng trending ngayon na grammatically incorrect sentence na learning material ng Department of Education (DepEd) na ipinalabas sa kanilang test broadcast na DepEd TV, nangako si DepEd Secretary Leonor Briones na hindi na ito mauulit.
Ayon kay Sec. Briones, ang naturang error ay nagmula sa conversion ng aralin ng kanilang Bureau of Curriculum Development.
Paliwanag ng kalihim, ang orihinal na materyales ay wala namang pagkakamali ngunit nang ito ay tinransfer na sa video form ay doon na lumabas ang grammatically incorrect sentence.
Giit pa ni Briones, gumawa na sila ng control measures para hindi na ito maulit pang muli.
Maganda rin aniya na nagkaroon ng dry run o test broadcast para sa mismong pagsisimula ng klase sa August 24 sa pamamagitan ng blended learning ay wala nang error sa mga learning materials.