DepEd, umapela sa mga LGU na iwasan ang hindi kinakailangang pagkansela ng klase

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga Local Government Unit (LGU) na iwasan ang hindi kinakailangang pagkansela ng mga klase para sa learning recovery.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang mga klase ay dapat na suspindehin lamang sa panahon ng public emergencies, matinding sama ng panahon at kalamidad.

Layon din aniya nito na maiwasan ang pagkakaroon ng make-up classes, na nagiging dagdag trabaho sa mga guro.


Sinabi pa ni Poa na hindi rin dapat gamitin ang mga paaralan bilang venue ng mga kaganapang walang kaugnayan sa curriculum.

Facebook Comments