Ikalawang autopsy report sa labi ng middleman sa Percy Lapid case, ilalabas bukas

Nakatakdang ilabas ng Department of Justice (DOJ) bukas, October 29, ang resulta ng ikalawang autopsy sa labi ni Jun Globa Villamor, ang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, humiling ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ng isa pang araw para makumpleto ang anim na page ng autopsy report sa bangkay ni Villamor.

Ilalabas aniya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang report sa isang press briefing bukas.


Matatandaang ipinapakita sa unang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI), na may heart hemorrhage at walang nakitang bakas ng physical injuries ang katawan ng naturang middleman.

Facebook Comments