Inihayag ng Department of Education (DepEd) na walang dinapuan ng COVID-19 sa apat na linggong implementasyon ng limited face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, wala silang kumpirmadong kaso ng COVID sa mga mag-aaral, guro at maging sa mga non-teaching personnel na kalahok sa in-person classes.
Aniya, mayroong mga mag-aaral ang nagkaroon ng ubo, sipon at lagnat pero hindi na pumasok sa eskwelahan at nagpasyang sa bahay na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Tiniyak naman ni Garman na inasikaso ng medical personnel ang ilang mag-aaral na nagkasakit dahil bahagi ito ng mga panuntunan na inilatag ng DepEd para sa face-to-face classes.
Facebook Comments