Walang naitala ang Department of Education (DepEd) na mga mag-aaral at guro na tinamaan ng COVID-19 sa pagsisimula ng limited face-to-face classes noong nakaraang linggo.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, ang datos ay batay sa 56 mula sa 100 pampublikong paaralan na nakasama sa face-to-face classes.
Aniya, nagnegatibo rin ang resulta ng confirmatory test ng tatlong guro sa Zambales na una nang nagpositibo sa antigen test.
Sa kabila nito, aminado naman si Garma na malaking hamon sa kanila na turuan ang mga estudyante na makasunod sa mga health protocols.
May ilang kasi aniyang estudyante ang nagbababa ng face mask at ilan ang nakakalimot sa physical distancing.
Facebook Comments