DepEd, walang naitatalang hawaan ng COVID-19 sa mga eskwelahang kalahok sa face-to-face classes

Ibinida ng Department of Education na wala pa rin silang naitatalang hawaan ng COVID-19, tatlong linggo makalipas ang pilot implementation ng face-to-face classes sa bansa.

Sa kabila nito, inihayag ni DepEd Dir. Roger Masapol na may ilang estudyante uma-absent dahil sa nararanasang pag-ubo, sipon at lagnat na posibleng nag-ugat sa iba’t ibang dahilan gaya ng panahon at personal na dahilan.

Pero, naglalaro pa rin aniya sa 82 hanggang 83% ang attendance rate sa halos 300 eskwelahan sa bansa.


Maliban dito, aminado si Masapol na kada linggo ay iba’t ibang hamon ang kanilang kinahaharap.
panguhin sa natanggap na problema ay ang mga sumusunod:

• Pagtatanggal ng face mask
• Nakakalimutan ang physical distancing
• Umaalis ng upuan
• Hirap sa pag-adjust mula sa modular patungong face-to-face classes
• Hirap ang mga bata na makita ang nasa pisara dahil sa nakalagay na barrier o di kaya’y suot na face shield
• Hindi maipakita ng mga estudyante ang kanilang expression dahil sa suot na facemask.

Dahil dito, nagpaalala si DepEd Secretary Leonor Briones na dapat magkaroon ng inisyatibo ang bawat pinuno ng paaralan na resolbahin na ang mga nararanasang hamon at huwag nang maghintay pa ng memorandum mula sa Central Office.

Facebook Comments