DepEd, walang planong suriin ang pelikulang “Maid in Malacañang”

Walang plano ang Department of Education (DepEd) na suriin ang nilalaman ng pelikulang “Maid in Malacañang”.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ipauubaya na nila sa ibang ahensya ang pagsusuri nito kung may mga naging salungat man sa kasaysayan ng bansa.

Aniya, kung sa panig daw ng DepEd ang tatanungin, wala silang planong tingnan kung mayroong mga historical distortion o rebisyon sa kasaysayan.


Nabatid na ang naturang pelikula ay ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 3, kung saan ipinapakita ang huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila lumipad patungong Hawaii.

Facebook Comments