Nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang depektibong timbangan at ilegal na ilaw sa mga puwesto ng bentahan ng karne sa Bayambang Public Market matapos magsagawa ng inspeksyon ang mga kawani ng Special Economic Enterprise (SEE) kasama ang meat inspector ng bayan.
Layunin ng naturang inspeksyon na matiyak ang kaligtasan ng mga produktong karne na ibinebenta sa palengke at ang tamang timbang na ibinibigay sa mga mamimili.
Sa isinagawang pagsusuri, nakumpiska ang dalawang depektibong timbangan at ilang ilegal na dilaw na ilaw na ginagamit sa mga pwesto ng karne na maaaring magdulot ng maling impresyon sa kulay ng karne.
Ayon sa mga awtoridad, bahagi ang hakbang na ito ng kanilang layunin na maprotektahan ang mga mamimili at matiyak ang patas na kalakalan sa loob ng pamilihang bayan.
Pinayuhan din ang mga nagtitinda na sumunod sa tamang regulasyon upang maiwasan ang kapinsalaan sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










