Manila, Philippines – Aarmasan na ng mga batuta ang traffic constables ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ayon kay Director Roy Taguinod ng Traffic Enforcer Division ng MMDA layon nitong madepensahan ng mga tauhan ng mmda ang kanilang mga sarili laban sa mapang abuso at mapanakit na mga motorist.
Tulad na lamang isang babae na nahuling hindi nakasuot ng helmet dahil nilagyan ng ulam pero sya pa ang nagmura at nanakit sa mga tauhan ng MMDA.
Samantala, nilinaw naman ni Taguinod na sasailalim sa pagsasanay ang mga traffic constable para hindi maabuso ang paggamit nila ng mga batuta.
Pabor naman ang ilang mga tauhan ng MMDA sa pag aarmas sa kanila ng batuta dahil magsisilbi anila itong self-defense.
Facebook Comments