Depensa ng Palasyo sa inihaing kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court, handa na

Manila, Philippines – Handana ang depensa ng Malakanyang sa kasong Crime Against Humanity na isinampa ngabogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio sa International CriminalCourt laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon kay SolicitorGeneral Jose Calida – hindi pa nakararating sa kanilang tanggapan ang kopya ngnaturang reklamo.
 
Sinabi ni Calida – kapagmay nakita nang batayan ang ICC na isulong ang kaso laban sa pangulo ay sakalamang magtatalaga ang kanilang hanay ng mga hukom na hahawak sa reklamo.
 
Dagdag pa ng Sol. Gen –kapag umusad ang kaso, dadaan pa sa Department of Foreign Affairs ang prosesopara masagot ito.
 
Nabatid na kinasuhan si PangulongDuterte ni Sabio ng Crime Against Humanity dahil nauwi na umano sa Extra JudicialKillings ang pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
 
 
 

Facebook Comments