Activated na ang Deployable Response Group ng Philippine Coast Guard Pangasinan Station kasunod ng pormal na pagsisimula ng tag-ulan ngayong taon.
Ang Deployable Response Group ang nakahandang tumugon at ipakalat sa lalawigan sakaling may emergency.
Kaugnay nito, pinaigting din ng tanggapan ang paghahanda sa posibleng kalamidad at tiniyak na functional ang mga equipment para sa agarang pagtugon.
Patuloy na nakabukas ang kada sub-station ng Coast Guard sa Pangasinan na matatagpuan sa Dagupan City, Infanta, San Manuel, Bolinao,Alaminos City, Sual at San Fabian.
Hinihikayat naman ng tanggapan ang publiko na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at makipag-ugnayan sa awtoridad para sa kaligtasan tuwing may sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments