Hindi sagot ang deployment ban para mapigilan ang mga nurse na mangibang bansa.
Ito ang sinabi ni Philippine Nurses Association President Melbert Reyes sa gitna ng muling pagpapatupad ng ban ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Reyes na marami pa rin kasing mga nurse hanggang sa ngayon ang hindi pa natatanggap ang kanilang allowance mula pa noong nakaraang taon.
Ayon kay Reyes, ito rin ang dahilan kung bakit mas pinipili ng mga health workers na sa ibang bansa magtrabaho para sa mas mataas na sahod sa kabila ng kagustuhang tumulong sa mga kababayan lalo na ngayong pandemic.
Sa inilabas na abiso ng poea kamakailan ay sinabi nilang naabot na ng bansa ang 5,000 na cap para sa pagpapadala ng mga healthcare workes sa abroad.