Pinag-aaralan na ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong.
Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na kilos-protesta kaugnay sa kontrobersyal na extradition bill.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, mahigpit ang ginagawang pagmomonitor ngayon ng Department of Labor & Employment sa ating mga kababayan at sa ngayon ay wala pang rekomendasyon ang Labor Chief para ipatupad ang deployment ban.
Magkagayunman, muling nagpaalala ang Palasyo sa mga Pinoy sa Hong Kong na umiwas sa mga matataong lugar at wag makisali sa anumang demonstrasyon.
Matatandaang inaresto ang isa nating kababayan matapos umanong makiisa sa isinasagwang kilos protesta sa Hong Kong.
Facebook Comments