Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng pagpapatupad ng Deployment Ban sa Kuwait.
Kasunod ito ng insidente ng panggagahasa ng isang Kuwaiti Airport Personnel sa isang Pinay OFW doon.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kapag napatunayang ginahasa talaga ang OFW at walang ginawang aksyon dito ang Kuwaiti Government sapat na dahilan ito para ipatupad ang deployment ban.
Nasa pangangalaga na ng kanyang amo ang Pinay habang naaresto na ang suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy.
Ito na ang ikalawang insidente ng pang-aabuso sa isang OFW sa Kuwait ngayong taon kasunod ng pagpatay kay Constancia Dayag.
Taong 2018 nang ipatigil ng Pangulong Duterte ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait dahil sa brutal na pagpatay kay Joanna Demafelis.