Hinimok ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sina incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma at Migrant Workers Secretary Susan Ople na alisin na ang umiiral na deployment ban para sa health care workers at iba pang in-demand na trabaho ng mga OFWs.
Ayon kay Salceda, magandang hakbang ito upang maibsan ang epekto ng paghina ng halaga ng piso at magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino.
Paliwanag pa ng economist solon, pinakamainam na tugon sa paghina ng piso ay kumita ng mas maraming foreign currency.
Kung pahihintulutan aniya ang mga Pilipino na magtrabaho abroad, katumbas nito ang pagpasok ng remittances na malaking ambag sa pagbangon ng ekonomiya.
Kung matatandaan, November 2021 nang magpatupad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng 6,500 deployment ceiling para sa Filipino healthcare workers na layong matiyak na may sapat na health care workers sa bansa noong kasagsagan ng COVID-19.
Ngayong Marso ay itinaas na ang capo ceiling sa 7,500.