Labi ng Filipino lawyer na nasawi sa pamamaril sa Philadelphia, dumating na sa bansa

67

Dumating na sa bansa ang mga labi ng Filipino lawyer na namatay sa pamamaril sa Philadelphia, na si John Albert “Jal” Laylo.

Matatandaang nangyari ang pamamaril noong Hunyo 19 habang sakay ng kotse ang biktima kasama ang kaniyang ina para bisitahin ang kanilang mga kamag-anak sa US.

Idineklarang brain-dead si Laylo bago tuluyang binawian ng buhay noong Hunyo 20 habang nagtamo naman ng minor injuries ang ina nito.


May kopya na ng security video ang mga imbestigador kung saan makikita ang isang itim na Nissan Maxima sa lugar pagkatapos ng pamamaril.

Kabilang sa tinitignang motibo sa krimen ay road rage o random shooting pero ayon kay New York Consul General Elmer Cato, maaaring isa itong kaso ng mistaken identity.

Facebook Comments