Manila, Philippines – Tuluyan nang binawi ng Department of Labor and Employment ang deployment ban sa Qatar.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na nagdesisyon itong bawiin ang moratorium matapos ang konsultasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at base na rin sa rekomendasyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).
Sa ulat ng POLO, aabot sa kabuuang 28 na bagong guro at 20 bus drivers at 51 bagong guro ang naka-antabay sa kanilang aplikasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Inirekomenda ng Philippine Embassy at POLO ang pagpapadala ng assessment team sa Qatar na binubuo ng DOLE, POEA, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA.
Kasabay nito, tiniyak ng Qatari government ang kaligtasan ng 240,000 OFWs sa Qatar.