Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) nag awing 10,000 ang annual deployment cap para sa mga healthcare workers tulad ng nurses.
Nabatid na nasa 5,000 ang itinakdang deployment limit para sa mga healthcare workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagsagawa ng technical working group (TWG) meeting ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan kung i-a-adjust ang deployment limit.
Tiwala naman si Bello na aaprubahan ng IATF ang kanilang rekomendasyon.
Pero kung sakaling masyadong malaki ang dagdag na 5,000, maaaring gawing ‘by installment’ ito ng IATF.
Alam ni Bello na maraming healthcare workers ang gustong magtrabaho sa ibang bansas para gumanda ang kanilang buhay.
Facebook Comments