Ilang LGUs na nauubos na ang stock ng bakuna, pupunuin muli – Dizon

22

Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Vaccine Czar Vince Dizon na pupunuin muli ng pamahalaan ang stock ng COVID-19 vaccines ng ilang local government units (LGUs).

Ito ay sa harap ng mga ulat na pansamantalang sinuspinde ng ilang siyudad sa National Capital Region (NCR) ang vaccinations dahil sa mababang supply ng bakuna.


Ayon kay Dizon, agad silang magsasagawa ng re-supply sa ilang siyudad, hindi lamang sa NCR pero sa labas ng rehiyon na malapit nang maubos ang vaccine supply.

Dagdag pa ni Dizon na nasa 1.5 million doses ng Sinovac vaccines ang agad na ipapamahagi sa mga LGUs na nakararanas ng vaccine shortage.

Facebook Comments