Deployment ng caregivers matapos ang Israel ceasefire, pinag-aaralan

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na pinag-aaralan na nila na ituloy ang pagpapadal ng daan-daang Filipino caregivers sa Israel.

Ito ay kasunod ng ipinatupad na ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas matapos ang 11 araw na palitan ng airstrikes ng dalawang bansa.

Ayon kay Bello, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at dadaan pa sa konsultasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) bago payagang magpadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).


Batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mayroong 30,000 na OFWs ang kasalukuyang naninirahan sa Israel.

Facebook Comments