Mindanao peacemaker na si Fr. Eliseo Mercado Jr., pumanaw na

38

Pumanaw na ang Mindanao Peace Advocate at pari na si Fr. Eliseo “Jun” Mercado Jr., sa edad na 72 taong gulang ayon sa Philippine Province of the Oblates of Mary Immaculate (OMI).

Ayon sa OMI, dinala si Mercado sa Cotabato Regional Medical Center noong Mayo 8 kung saan dito na nakumpirmang positibo siya sa COVID-19.


Naka-recover pa si Mercado sa COVID-19 at nagkaroon ng negative test result noong May 22 pero kinabukasan ay inatake ito sa puso na kaniyang ikinasawi.

Nakilala si Mercado sa malaking ambag nito sa ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000.

Malaki rin ang naitulong ni Mercado sa peace process at iba pang reporma sa Mindanao.

Facebook Comments